<body>



Final Destination: Ang Solusyon.. Nagsakripisyo?


Thursday, October 2, 2008

Malapit na matapos ang ating kwento. Ano na kaya ang mga maaaring mangyari sa ating mga natitirang bida? Muli, dapat tayong mag-ingat. Huwag baliwalain ang kung ano mang pangitaing iyong makikita... dahil baka sa isang iglap, mangyayari ang lahat ng ito.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


Alas-singko pa lang ng umaga nang magising mula sa pagkakahimbing si Philip. Nais niya kasing mauna sa kanyang trabaho. Isa na siyang librarian ngayon. Siya ang Punong Librarian ng National Library of the Philippines. Sa wakas, ang kanyang mga pangarap ay naabot na rin niya.

Ilang minuto rin ang nakalipas nang makarating na siya sa kanyang patutunguhan. Nag-time in siya sa kanyang time card at pumunta na siya sa kanyang pwesto. Gustong-gusto ni Philip ang kanyang propesyon. Tahimik at maaliwalas ang paligid. Ang nagsisilbing musika sa kanyang mga tenga ay ang mga paglipat ng mga pahina ng mga libro.

Parte na nang kanyang araw-araw na gawain ay ang pagbabasa ng dyaryo. Kaya kinuha niya ito at nagsimula ng magbasa. Nagulat na lamang siya sa isang headline ng dyaryong kanyang hawak. " Babae, Naaksidente habang nasa ere." Nang binasa niya ng buo ang artikulong ito ay napag-alaman niyang si Glazelle pala ang babaeng tinutukoy sa headline. Bigla siyang nahilo. Naalala na naman niya ang sumpa.

Philip: O hindi! Ilang beses na rin kaming nakatakas sa kalupitan ng sumpang iyon. Pero bakit nagbalik na naman siya?! O dyusko! Ako na ba ang susunod?! Ayoko pang mamatay.!! Ayoko ayoko..


Ibinaba niya ang peryodikong kanyang hawak at naisipang tawagan si McLevi. Nagbabakasakaling bumalik na siya sa kanyang katinuan.

Philip: Hello? McLevi?

McLevi: Ahhh? Sino to?

Philip: Si Philip ito. May dala akong balita?

McLevi: Philip? Anong balita naman ang dala mo?

Philip:
Eh ano kasi eh. Huwag ka sanang mabibigla. Ayos lang ba iyon?

McLevi: Ayos lang. Sige.

Philip: Si Glazelle kasi eh. Wala na...

McLevi: Glazelle? Ang aking minamahal?! O Hindi!!! Huwag mong sabihin ang sumpa na naman ang may kasalanan ng lahat?!

Philip: Oo, ang sumpa ang may kasalanan ng lahat.

McLevi: Dyusko! Ahahahaha! Ang pesteng sumpang iyan! Binabalikan na naman tayo! Paano ba yan Biboi! Dalawa na lang tayo! Paunahan na lang!

Philip: Syet! McLevi! Nababaliw ka na naman! Tumigil ka nga!

McLevi:
Sino ba namang hindi mababaliw sa sitwasyong ito no?! Hibang ka ba?!

Philip: Ito lang masasabi ko. Mag-ingat ka sa apoy. Sige. Paalam.

Binagsak niya ang hawak niyang telepono. Litong-lito ang kanyang isip. Gulong-gulo ang kanyang utak. Nais niyang mabaliw. Hindi niya pa rin maintindihan kung bakit nagbalik muli ang sumpang sumira sa kanyang buhay pati na rin ang buhay ng kanyang mga kaklase.

Philip: Kailangan kong makahanap ang paraan. Maaaring ang mga librong ito ay naglalaman ng kasagutan sa problemang matagal na naming nais wakasan.

Sa pagkakataong ito, nagsimula na niyang maghanap ng libro ukol sa mga pangitain at kung ano ang mga solusyon para hindi maisakatuparan ang mga ito.

Nakakita siya ng isang libro na pinamagatang "Mga Pangitain at mga paraan para iwasan ito" Kinuha niya ito at sinimulang basahin.

Philip: Ang mga pangitain ay madalas lumalabas sa ating mga panaginip. Kadalasan ipinapakita nito ang mga masasamang maaaring mangyari sa kasalukuyan. Malaki ang posibilidad na mangyayari ito sa realidad. Kaya huwag mo lamang ibaliwala kung ikaw ay magkaroon ng isang pangitain.

Nilipat niya ang pahina. At sa pahinang ding iyon nakita niya ang matagal na niyang hinahanap.

Philip: Isa lang ang tanging napatunayang solusyon sa mga pangitain. Para maiwasan na mangyari ang mga ito, ang taong mismong nakakita ng pangitain ay kinakailangang mamatay. Ito lang ang tanging paraan para mailigtas ang mga taong nanganganib ang buhay.

Sandaling nanahimik si Philip. Ito lang pala ang solusyon. Bakit hindi niya nalaman ito noong simula pa lamang para hindi na nabuwis ang buhay ng kanyang mga kaklase.

Philip: Tang ina! Ito lang pala! Kung alam ko lang. E di sana. Sana. E di sana wala nang namatay!!!

Dumaloy sa kanyang mga mata ang mga luhang kaytagal na niyang pinigil. Ngayon lang uli siya umiyak ng ganito.

Philip: Ako lang pala ang kailangang mamatay! Bakit ngayon lang! O HINDEEE!

Sa kanyang pagsambit ng mga katagang ito ay biglang may pumutok na fuse sa may likuran ng silid-aklatan. Wala nang taong natira rito. Kanina pa kasi niya sinara ang library para makapag-ayos siya ng mga librong ginamit ng mga taong nagpunta rito. Kanyang pinuntahan ang pumutok na fuse. Chineck niya muna ang mga ito saka niya pinatay ang buong power ng library.

Sa pagpatay niya sa main source ay inakala niyang ligtas na siya. Nang papaalis na siya ay biglang uminit ang paligid. Pagkatalikod niya ay bigla na lang nag-apoy ang kanyang paligid.

Philip: O hindee ako na ang susunod! pero ayoko pang mamatay!

Nagtatakbo siya palabas ng library at ninais na tumakas ngunit nagsara ang mga pintuan at pati ang mga bintana.

Philip: ayoko pang mamatay.. HINDEE


at biglang naalala ni Philip na dapat pala siyang mamatay para matapos na ang lahat na ang sumpa sa kanilang magkakaibigan. Kahit na si Mclevi lang ang matira basta ay may makakaligtas iyon ang mahalaga.

Philip: Tama ako nga pala ang dahilan at ang ugat ng sumpang ito! Kinakailangan kong mamatay!

Nagpalamon sa apoy si Philip habang tumulo ang luha sa kanyang mga mata dala ng tinding sakit dahil sa pagkakatusta.

Philip: Para ito sa mga kaibigan ko! sana ay mapatawad niyo ako sa dala kong sumpa..

At iyon na nga ang huling katagang namutawi sa mga labi ni Philip.

Patay na si Philip. Tapos na! Pero ano ang naghihintay na kapalaran para kay Mclevi? Bumalik na kaya sa kanyang katinuan si McLevi? Makakaligtas pa ba ang tanging survivor?


Abangan ang huling kabanata...


Lawrence
6:14 AM


| Welcome to our blog! |
Hi! We are IV-Lawrence Batch 2008-2009!

| Care to listen? |




| Leave a Message! |



Leaving already?
Andrea
Karen
Jedd
Kristoffer
Patricia
Philip

Archives
Jun 30, 2008
Jul 7, 2008
Jul 25, 2008
Aug 26, 2008
Aug 31, 2008
Sep 2, 2008
Sep 5, 2008
Sep 8, 2008
Sep 11, 2008
Sep 15, 2008
Sep 16, 2008
Sep 22, 2008
Sep 23, 2008
Sep 24, 2008
Oct 2, 2008
Oct 6, 2008
Dec 12, 2008
Mar 6, 2009


Thanks to
Designer
Host
Blogskins
Image