Final Destination: Ang Pangitain
Thursday, September 11, 2008
Ang ating kwentong matutunghayan ngayon ay pawang kathang isip lamang. Anumang bayolenteng reaksyon ay maaari naming paunlakan ngunit wala kayong karapatan para kwestyunin ang kung ano mang nakalagay dito. Ang mga taong bumuo ng istoryang ito ay sanay na sa paggawa ng mga nakakatakot, nakakagimbal, at nakakagulat na mga pangyayari. Kaya kung ako sa inyo'y hindi ako kukurap. HUWAG KANG KUKURAP!
Malalim na ang gabi. Sumikat na naman ang buwang bilugan.At ang mga tao sa lugar ay nahihimbing na sa kanilang pagkakatulog. Ngunit sa isang bahay, mayroong isang batang hindi mapakali. Tila ba siya binabangungot. Puno ng pawis ang kanyang mukha at nahihirapan na siyang huminga. Nais na sana siyang kunin ng bangungot na ito pero sa kabutihang palad siya'y biglang nagising.
Gulat na gulat si Philip sa kanyang mga nakita sa kanyang panaginip. Hindi niya matanggap ang kung ano man ang nilalaman nito. Sa kanyang panaginip nagkaroon ng isang malaking trahedya. Isang trahedyang biglaan at hindi inaasahan ng marami. At ang mga taong kasama sa insidenteng ito ay mahimbing na natutulog sa ngayon. Nananaginip ng mga masasayang panaginip ukol sa mangyayaring awting ng pangkat Lawrence.
Umaga na, si Philip ay nagdesisyon na hindi na sumama sa lakad ng kanyang pangkat. Natatakot kasi siya na baka magkatotoo ang mangyayari. Sinubukan niyang tawagan ang kanyang mga kaklase ngunit hindi niya ito makontak. Kaya't pumunta na siya sa lugar kung saan sila magkikita kita para pigilan ang awting na magaganap. Dali dali siyang umalis ng kanilang bahay at nagpunta sa meeting place.
Masasayang nagsidatingan ang mga miyembro ng Lawrence. Sila'y nasasabik na para sa araw na iyon. Pawis na pawis si Philip ng dumating sa may istasyon ng MRT.
Philip: Guys! Huwag na nating ituloy ang lakad nating ito. Sa ibang araw na lang pwede ba? Napanigipan ko kasi na may mangyayaring masama sa bawat isa sa atin kapag tumuloy tayo!
Anika: Philip. Ayan ka na naman eh. Don't try to spoil the fun. Come on! Don't believe in such dreams ok?!
Philip: Anika. Maniwala ka sa akin. Bakit? Nagsisinungaling ba ako?
Anika: Uhmm. Let me count. Hmmmm. A lot!
[tumawa ang lahat.]
Philip: Pwede ba?! Oo. Alam ko minsan nagsisinungaling ako sa inyo. Pero hindi sa ngayon. Please. Maniwala naman kayo sa akin o.
Patty: Hai nako Biboy. Bahala ka na nga diyan. Basta kami nina Anika tutuloy. O sino ang sasama?!
Nagtaas ng kamay sina Jera, Denise at Louise.
Anika: What?! You believe in Philip's warning?! Ay nakow. Bahalaw ngaw kayow diyan! Bastaw kamey pupuntey. Let's go girls.
Philip: Sige. Pumunta kayo kung gusto niyo. Basta huwag ninyo akong sisisihin kung may mangyaring masama sa inyo. Sinabihan ko na kayo.
Jera: Like we care. Damn you!
Louise: Whatever Philip!
Den: Bye!
Ang kaawa-awang si Philip ay walang nagawa upang pigilan ang kanyang minamahal na kaklase kaya nagpasya na lamang siya na umalis.
Samantala, sa kabilang dako. Sabik na sabik na si MJ na umalis dahil nga hindi na tuloy ang kanilang lakad ay nagpasya siya na maglaro na lamang ng DOTA kahit siya lang mag-isa dahil iniwan siya sa ere ng kanyang mga kasama. Dali-dali siyang tumakbo papataas sa hagdanan ng biglang may isang balat ng saging na nakaharang sa hagdan. Natapakan ito ni MJ at bigla siyang nadulas. Dire-direcho siya hanggang ang kanyang ulo ay mabagok na sa lapag. Nagpagulong gulong siya at wala man lang ni-isa ang tumulong sa kanya. KALUNOS-LUNOS, ang kanyang buong katawan ay nababalutan ng kanyang sariling dugo. Pulang-pula ang mga ito.Pinipilit niya na humingi ng tulong. Ginamit niya ang huli niyang lakas upang makatayo ngunit huli na ang lahat para sa kanya. Ang pagkamatay niya ang unang senyales na nagkakatotoo na ang pangitain ni Philip.
Ang mga ibang nakapansin ay di maipinta ang mga mukha. Ang iba ay nagulat kaya't nagsitakbuhan sila papunta sa may labasan ng MRT. Sina Jermie at Justin ang dalawang nauna sa may escalator. Gulat na gulat sa mga pangyayari. Ngunit dahil sa kanilang kaharutan, nagmamadali kasi silang makaalis, ay biglang natumba si Jermie. Si Justin naman nadamay na rin. Habang nakasayad ang kanilang mga mukha sa ibaba. Nahihirapan silang itayo ang kanilang mga katawan. Pawa bang may isang bagay na nagpapabigat sa kanilang mga katawan at pinipigilan silang makatayo. Biglang bumilis ang pag-andar ng escalator. Natakot ang dalawa. Patuloy nilang nilalabanan ang kung anumang nagpapabigat sa kanila ngunit anung kamalasan huli na ang lahat. Malapit na sila sa matatalim ng ngipin ng escalator. Unti-unti nilamon ng mga ngipin nito ang kanilang katawan. Una ang kanilang ulo. Nagsusumigaw at nagpupumiglas sila ngunit mahirap dahil nakalabas na ang utak at mata nila. KALUNOS-LUNOS. Wala ng nagawa ang mga nakasaksi kundi panuorin sila habang unti unting nilalamon ng escalator at ang pagsirit ng kanilang mga dugo.
Pinupuno pa lang ang MRT noon dahil nga ito'y nasa huling istasyon na. Nang nakita ni Jera ang mga pangyayari sa labas. Naniwala na siya kay Philip. Nagulumihanan siya. Kaya dali dali siyang lumabas ng tren ng biglang nagsara ang pintuan nito. Ang kanyang katawan ay nahati sa dalawa. Ang kalahati ay nasa loob at ang natitirang kalahati naman ay napunta na sa labas. Nakalawit pa sa labas ang kanyang putol na kamay habang papaandar na ang mrt. Patuloy pa rin ang pagsirit ng dugo sa may bewang na parte ng katawan ni Jera. Halata namang nagulantang ang mga pasahero sa nangyari.
Sa kabilang banda, sina Cho at Camae naman ay pumunta sa pinakamalapit na elevator. Sumakay sila dito at doon nakahinga ng maluwag. Akala nila na ligtas sila roon ngunit sila ay nagkakamali dahil isang trahedyang kagimbal gimbal ang mangyayari sa kanila. Pupunta sila sa groundfloor ng biglang napatid ang kable na humahawak sa elevator. Nagulat sila at nagkatumba-tumba. Ang iba ay nabalian ng buto at ang iba ay umusli ang buto. Walang anu ano habang sila ay natataranta sa loob ng elevator ay nagsibagsakan ang mga bakal ng makina ng elevator pababa. Nakatayo si Cho ng isang kalawanging bakal ang tumagos sa kanyang ulo hanggang paa. Biglang bumaha ng dugo. Nawindang si Camae sa nangyari at biglang may isang pagsabog ang nangyari. Natusta siya ng buhay sa loob ng malaimpyernong elevator.
Sa kabilang banda si Patty ay napanganga sa natunghayan. Dahil nga nasaksihan ni Patty ang pagkamatay ng kanyang mga kaklase at dahil ang kalahating katawan ni Jera ay nasa kanyang harapan at ito'y naglalabas ng mapupulang dugo. Siya'y nataranta at nais na niyang bumaba sa MRT. Kaya't madaliang niyang pinindot ang emergency button. Bigla namang nagbukas ang pintuan at dali-dali siyang lumabas. Akala niya may matino siyang papag na lalapagan. Pero nagkamali siya. Siya ay bumagsak sa may tabi ng riles. Nagkaroon siya ng pulikat sa kanyang mga paa kaya't hindi siya nakatayo. Sa kasamaang palad, may isang tren na papadaan. Natakot na siya at sisigaw na sana ng saklolo ng biglang nahagip ang kanyang katawan ng rumaragasang tren. Muli nagtalsikan ang malansa at sariwang dugo.
Ang mga taong natira sa loob ay lubusang nalulungkot at natatakot sa mga pangyayari. Si Denise ay umupo na lang sa may kabilang pintuan. Hindi niya alam na natumba ang isang poste ng MERALCO at natusok siya. Nabutas ang kanyang tiyan at ang kanyang dugo ay unti-unting umuupaw mula doon. Dahan-dahan ang naging kanyang pagkamatay.
Si Louise. Sa sobrang takot ay dumirecho sa may loob ng MRT. Ito yung parte na kung saan may koneksyon ang isang tren sa isa pa. Dahil nga sa pagkabagsak ng poste ng MERALCO, nadiskeral ito. At ang kinatatayuan ni Louise at nasira at siya'y nalaglag sa may riles. Ang kanyang kaawa-awang katawan ay unti-unting dinudurog ng tren.
Sa limang sumakay at nagpasyang ituloy ang awting naging iisa na lang ang natira, si Anika. Malakas ang kanyang paniniwala sa Maykapal na ililigtas siya nito. Kampante na sana siya ng biglang sumagi sa kanyang mga mapagmatyag na mga mata sa isang bagahe. Ito'y itsurang kahon at mayroong timer sa gilid nito. Di niya alam na bomba na pala ang kanyang hinahawakan. Bigla itong sumabog at ang kanyang katawan ay naging pira-piraso.
Nakita ng mga natirang bata ang nangyari. Hindi sila makapaniwala na ang pangitain ni Philip ay magkakatotoo. Sa sobrang kalungkutan, napagdesisyunan na lamang nilang umuwi sa kani-kanilang mga tahanan. Umaasa na sa kinabukasan ay matatapos na ang lahat. Nangangarap ang bawat isa sa kanila na sa bagong araw na darating ay wala nang mawawala sa kanilang piling.
Sana nga ay tapos na ang pangitain ni philip. Sana nga ay matapos na ang lahat ng kamalasang nangyari sa kanila..
10 na ang nawawala sa pangkat ng Lawrence. At 20 na lang ang natitira. Ano na kaya ang mangyayari sa kinabukasan? Tuluyan na bang magtatapos ng ganun-ganun na lang ang ating kwento? Magkakaroon ba ng isang masayang katapusan ang buhay ng mga batang nasira dahil lamang sa iisang pangitain?Sundan sa susunod na kabanata.
Abangan......
~~~~~~~~~~~~~~~~

Labels: huling hantungan, xD[final destination]
Lawrence
4:54 AM
4:54 AM