<body>



"Falling Debris"


Monday, September 8, 2008

BABALA:
Ang inyong mababasang kwento ay kathang isip lamang. Hindi hinago sa tunay na buhay kaya kung anumang pangyayari ang natutulad sa istoryang ito ay di pananagutan ng may-akda. Huwag kayong maniwala sa kung alin man ang nakalagay dito, UTANG NA LOOB.Maraming salamat.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"FALLING DEBRIS"


Ang ating kwento ngayon ay ang kamangha-manghang pagmamahalan ng dalawang magkaibang indibidwal na pinagsama ng tadhana. Sa kabila ng mga kalunos-lunos at kahabag habag na naganap sa kanilang mga buhay ay nagawa pa rin nilang matagpuan ang pag-ibig na laan para sa kanila.Ngunit napakasaklap ng tadhana.Anu nga ba ang mangyayari? Halina't ating subaybayan ang ating kwento: Kwento ng nasawing pag-ibig, ang "Falling Debris"

Isang maulang gabi noon, si boy o itago na lang natin siya sa pangalang MJ ay pauwi mula sa kanyang paaralan. Sa kasamaang palad ay naiwan niya ang kanyang payong kaya't siya ay basang-basa sa ulan. Mabuti na lamang at may maganda ngunit misteryosang nag-alok sa kanya na sumilong sa kanyang payong at siya ay si Patty. Noong ding araw na iyon ay nagkakilanlan na ang dalawa, nagkamabutihan ng loob at nagkaroon ng isang malalim na pagsasamahan. Araw-araw na silang nagsasama sa eskwela. Halos walang oras o minuto na hindi sila nag-uusap o nagtitigan gamit ang malalagkit nilang mga mata. Unti-unting nahuhulog ang loob nila sa isa't-isa. Nais na sanang magtapat si MJ ng kanyang pagmamahal para kay Patty nang biglang nagkaroon ng isang di inaasahang balita. Si Patty ay lilipat na ng ibang eskwelahan dahil na rin ang kanyang ama ay napunta sa ibang distrito. Malungkot ang dalawa sa balitang ito, lalong-lalo na kay MJ dahil si Patty ang kanyang unang babaeng minahal. Habulin si MJ ng mga babae o kung tawagin siya ay "MJ hotty baby" ng kanyang mga chikas, ngunit sa kauna-unahang pagkakataon ay nagseryoso nga siya sa isang babae at ito ay si Patty ngunit ang bilis talaga ng karma at binawi na kaagad ang kanyang minamahal.

MJ:Patty kailangan mo ba talagang sumama? Handa ka ba na iwan ako?
Patty: masakit man para sa akin, ngunit kailangan kong sundin ang aking ama!
MJ: Akala ko ba mahal mo ako. Nangako tayo di ba? Sabi mo tayong dalawa hanggang sa huli! Pero bakit ngayon ay iiwan mo na ako? Mamili ka ako o ang ama mo?
Patty: Patawad. Pero kinakailangan ko talagang umalis. At MJ ngayon ko lang napag-alaman na makasarili ka! Para sa kinabukasan ko ang pag-alis ko, para ito sa pangarap ko. Binabalak ko pa naman sana na balang araw ay mapagsasaluhan natin ang saya ng tagumpay kong ito, ngunit makasarili ka, hindi mo man lang inisip ang sitwasyon ko! Diyan ka na.

Lubos na dinamdam ni MJ ang kanilang paghihiwalay nila ni Patty. Ilang beses na rin siyang nagtangkang magpakamatay. Noong una ay nais niyang tumalon sa ikaapat na baitang ng isang building sa kanilang paaralan. Mabuti na lamang at may nakakita sa kanya at pumigil sa kanya sa paggawa niya ng mga bagay na iyon. Ang ikalawa naman niyang pagtatangka ay noong inilublob niya ang kanyang mukha sa inodoro na puno ng uu para raw double kill siya at para maksiguro ,malunod at malason siya. Sa kabutihang palad, may nakahuli sa kanya at isinumbong ito sa kanilang punong-guro. Ngunit sino ba ang misteryosong taong ito? Siya ay si Kirstie. Pangulo ng Student Counsil at may lihim na pagtingin kay MJ. Nang nagkaroon sila ng panahon upang makapag-usap , sa wakas, ay nasabi na rin ni Kirstie kay MJ ang kanyang tunay na nararamdaman kay MJ. Ngunit ito ay tinanggihan ni MJ dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakaka-move on.

Sa kabilang banda, si Gigi naman ay seryoso sa kanyang pag-aaral. Lagi siyang nangunguna sa kanilang klase bunga na rin ng kanyang pagsisikap. Halos nakakakuha siya ng perpektong marka sa lahat ng asignatura. Isa lang naman ang kanyang laging nababagsak. At iyon ay ang asignatura ng pag-ibig. Totoo nga na kapag matalino ka ay bobo ka naman sa pag-ibig.

Magkaklase sila ni MJ. Silang dalawa ay nasa star section ng kanilang batch. Si Gigi ang pinaka-una at si MJ naman ang pangalawa. Sino naman ang mag-aakala na ang dalawang ito ay mag-iibigan ng wagas at magkakatuluyan?

Bigo rin sa pag-ibig si Gigi dahil namatay ang kanyang kasintahan at ang masakit ay siya pa ang di niya sinasadyang mapatay ang kasintahan niya. Hindi niya matiis na bawat araw ay binabagabag siya ng kanyang konsensiya kaya naisipan niya na lang magpakamatay.

Isang araw, malakas ang ulan at maagang nagsiuwian ang lahat, isigawa na ni Gigi ang plano niyang pagpapakamatay. Umakyat siya sa rooftop ng kanilang paaralan at binalak na tumalon. Ngunit isang nilalang ang humawak sa kanyang kamay at pinigilan siya sa kanyang pagtalon.

At iyon pala ang kaklase niyang si MJ.

MJ: Gigi, kung binabalak mong magpakamatay ay huwag kang tumalon. Hindi ka naman mamatay dahil hanggang 2nd floor lang ang building dito.
Gigi: WALA ako pakialam! pabayaan mo na nga ako. Bakit ka ba nangingialam? May alam ka ba sa buhay ko? wala ! kaya pabayaan mo na ako!
MJ: OO! may alam ako parehas lang tayo. Parehas lang tayong sawi sa pag-ibig. Binalak ko na rin na wakasan ang aking buhay ngunit hindi ito ang solusyon sa mga iyan.

Umalis na silang dalawa at umuwi sa kani-kanilang tahanan.

Nagkaroon ng isang pagsusulit at si Gigi ang nakakuha ng pinakamababang marka sa kanilang klase. Nabigla ang lahat at sinimulang apihin ang munting bata. Isa lang ang tanging nanatili at nagtanggol kay Gigi, si MJ. Magmula noon ay sila na ang nagsama at naging matalik na magkaibigan ang dalawa.

Patapos na rin ang kanilang pag-aaral. Sa loob ng tatlong buwan ay papasukin na nila ang buhay ng kolehiyo. Naisipan ni Gigi na ipagtapat na ang kanyang pagtingin kay MJ. Maluwag naman na tinanggap ni MJ ang mga pangyayari at inamin na rin niyang matagal na rin niyang pinapagpapantasyahan si Gigi. Silang dalawa ay naging magkasintahan na mula noon.

Matapos ng ilang buwan ay nagyaya uli si MJ na magkita sila ni Gigi sa isang restaurant. Dito na mangyayari ang mga di inaasahang mga pangyayari.

Bibili pa lang sana si Gigi ng magandang panregalo para kay MJ. Monthsary kasi nila. Kakarating pa lang niya sa nasabing store ng biglang nabagsakan siya ng mga falling debris sa katabing ginagawang mall. Nagdilim ang kanyang paningin at naramdaman niyang naliligo na siya sa kanyang sariling dugo. Nasaksihan ni MJ ang mga pangyayari dahil nakasakay siya sa isang taxi na naroon din sa lugar ng pinangyarihan. Dali-dali siyang lumabas at pinuntahan ang nag-aagaw buhay na kasintahan.

MJ: Gigi. Bakit ngayon pa?! Bakit ngayon kung kailan tayong dalawa ay lubusan ng nagmamahalan. Iiwan mo na lang ba akong nag-iisa? Gigi!

Gigi: Hindi ko ninais ang ganito. Masaya ako at kahit papaano ay nakilala kita at nakasama kita kahit sa maikling panahon lamang. Nga pala, Happy Monthsary.Salamat sa lahat. Pero ang totoo ay ginamit lang kita para makalimutan ko ang namatay kong kasintahan.

MJ:matagal ko nang alam na ginagamit mo lang ako para makalimutan siya, pero umasa akong matutunan mo rin akong mahalin. Minahal kita nang totoo!

Gigi: Ang mga ngiti at kalungkutang ating pinagsaluhan ay totoong lahat. Minahal kita! salamat sa lahat at mapatawad mo sana ako.

At iyon na nga ang huling mga katagang nasambit ni Gigi.

MJ: O hindeeeeeeee!


~~~~~~~~KATAPUSAN~~~~~~~~

Labels:



Lawrence
5:32 AM


| Welcome to our blog! |
Hi! We are IV-Lawrence Batch 2008-2009!

| Care to listen? |




| Leave a Message! |



Leaving already?
Andrea
Karen
Jedd
Kristoffer
Patricia
Philip

Archives
Jun 30, 2008
Jul 7, 2008
Jul 25, 2008
Aug 26, 2008
Aug 31, 2008
Sep 2, 2008
Sep 5, 2008
Sep 8, 2008
Sep 11, 2008
Sep 15, 2008
Sep 16, 2008
Sep 22, 2008
Sep 23, 2008
Sep 24, 2008
Oct 2, 2008
Oct 6, 2008
Dec 12, 2008
Mar 6, 2009


Thanks to
Designer
Host
Blogskins
Image