<body>



Final Destination: Muling pagbabalik.


Tuesday, September 23, 2008

Ito ang ikalawang bahagi ng ikaapat na kabanata ng inyong sinusubaybayang kwento. Pinaaalalahanan naming ang mga batang may edad 10 pababa na mag-ingat. Marami kasi ang nakapagsasabi na matapos nilang basahin ang kwentong ito ay marami ang nagpapakamatay. Nawa ay hindi kayo mapabilang sa kanila.

~~~~~~~~~~~~~~~~


Maaga nagising ang lahat. Kumain nang almusal at nagbasa ng dyaryo. Nagulat na lamang sila sa isang balitang talagang nakapagbigay ng takot sa kanila. Ang balitang ito ay pinamagatang, “Premyadong Atleta at Modelo, Nalunod.”

Sa kani-kanilang bahay ay nagulantang ang mga taong nakakakilala sa kanya.

Jedd: Dyusko. SI GINALYN!

Glazelle: Pamilyar ang mukha sa larawan ah. Nakupo!

Philip: Kilala ko to eh. HALA! SI GIGI PALA ITO!

Ang mga nakakakilala sa kanya ay tinawag ang isa’t-isa sa may telepono upang ikompirma ang mga nangyari. 3-way ang kanilang naging usapan.

Glazelle: Jedd! Nabasa mo ba ung balita sa dyaryo?

Jedd: Anong balita? Yung tungkol kay Paris Hilton?

Philip: Ahhh. Diba nagpakamatay daw iyon?

Glazelle: Pwede ba! Yung tungkol kay Gigi!

Jedd: Oo nga. Nakakaawa.

Glazelle: Maaari bang….?

Philip: Natapos na ang lahat! Limang taon na rin ang nakalilipas. Wala na ang sumpa!

Jedd: Oo nga Glazelle. Mukhang na-trauma lang tayo sa mga nangyari.

Glazelle: Baka nga. Sana nga.

Philip: Pero… Dapat magmula ngayon ay mag-iingat na tayo.

Glazelle: Huwag nating ipagwalang bahala ang mga nangyayari. Malay natin.

Philip: Sabagay. Nangyari na sa atin to nang maraming beses. Sobra na yun ah.

Glazelle: Nako! Si Mac pa! Di pa niya alam. Sige ha. Mag-ingat na lang tayong lahat.

Jedd: O sige. Gagawin ko yan. May trabaho pa ako eh. Paalam.

Glazelle: Bye Jedd! Ingat.

Philip: Bye!

Binaba na nila ang kani-kanyang telepono. Ang bawat isa ay naghanda na para sa isa na namang nakapapagod na araw.

Ang destinasyon ni Jedd ay sa isang construction site. Isa kasi siyang engineer. Ang kanyang angking talento sa pagguhit ang nag-udyok sa kanya para maging isang enhinyero. Habang naglalakad siya ay iniisip niya ang balitang lumantad sa kanya kaninang umaga lang. Si Gigi. Patay na. Nalunod. Tubig. Wala pa ring sense! Hindi lang niya talaga maintindihan kung bakit nagkakaroon na naman ng mga insedente ng pagkamatay. Limang taon na ang nakalilipas Jedd! Tapos na ang sumpa! Sa sobrang kaiisip ng mga ganoong bagay ay nauntog siya sa may gate ng construction site.

Jedd: Aray! Ang tanga ko naman!

Normal naman ang araw ni Jedd. Wala namang kahit anong ekstraordinaryong nangyari. Malapit na niyang matapos ang isa na naman niyang disenyong gusali. Ang galing mo talaga Jedd, puri niya sa kanyang sarili. Ilang oras pa ang nakalipas ay uuwi na rin siya. Nauna na ang kanyang mga kasama at samantalang siya ay nagpaiwan upang icheck ang mga kailangang gamit at kung ano ano pa.

Jedd: Mukhang maayos naman ang lahat. Makauwi na nga.

Maglalakad na sana siya nang may biglang hollow block na nalaglag sa kanyang harapan.

Jedd: Syit! Takte naman o! Saan nanggaling ung hollow block na ito?!

Nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad. Habang nag-aayos siya ng kanyang mga gamit ay may nalaglag na toolbox sa kanyang likuran. Naglaglagan ang mga pliers, long nose, cutter, at kung ano-ano pa.

Jedd: Potanginamaylo talaga ah. May tao pa ba diyan?

Muli niyang tinignan ang lugar. Wala namang tao at mukhang nakauwi na ang lahat. Binalikan niya ang kanyang gamit at uuwi na rin sa wakas. Ano kaya ang kakainin ko sa hapunan? Dapat masarap, isip niya.

Madilim na noon. Pinatay na niya ang mga ilaw. May narinig ulit siyang kalampag sa may lugar. Nagtaka na siya. Ilang beses na niyang tinignan at wala namang ni isang taong natira. Biglang pumasok sa kanyang isip si Gigi. Hindi kaya…

Jedd: *&^&%*@&!@#!@$!!!! Wag mong sabihing!

Papalabas na siya nang biglang nagsara ang gate. Pinilit niyang buksan ito ngunit wala siyang nagawa. Sumigaw-sigaw siya ng saklolo ngunit walang sumasagot sa kanya. Nadala na siya ng takot. Mukhang dumating na ang oras.

Jedd: Hindi ka pa ba nakukuntento?! Kinuha mo na halos lahat ng kaklase ko! Akala ko ba nagsawa ka na?! Tigilian mo na kami.

Lumakas ang hangin. May bagyo atang paparating. Takot na takot na siya ngayon. Ang ginawa na lang niya ay tawagan si Glazelle.

Receiver: The person you want to call is out of coverage are. Please leave your message after the beep.

Biglang nagbeep ang kanyang phone.

Jedd: Glae. Sana marinig mo agad ang tawag kong ito. Hindi ko alam kung magkikita pa tayong muli. Narito ako sa may construction site na kung saan ko ginagawa ang aking pinakabagong proyekto. KAILANGAN KO NG TULONG NIYO!

May kumalampag muli sa itaas. Pagkalingon ni Jedd ay sakto naman siyang nabagsakan ng isang signboard. Ang signboard na ito ay may mensahe na “CAUTION: FALLING DEBRIS!” Nahati ang kanyang ulo. Tila nagkaroon ng Left and Right hemisphere si Jedd. Mini globe. Ang kanyang dugo ay nagkalat sa sahig. Pulang-pula. Sariwa. Malinamnam. Wala na si Jedd.

Nagbalik na muli ang sumpa. Hindi pa pala ito tapos. May paraan pa kayang mahanap sina Glazelle, Philip at McLevi upang sugpuin ito.

Sundan…


Lawrence
6:33 AM


| Welcome to our blog! |
Hi! We are IV-Lawrence Batch 2008-2009!

| Care to listen? |




| Leave a Message! |



Leaving already?
Andrea
Karen
Jedd
Kristoffer
Patricia
Philip

Archives
Jun 30, 2008
Jul 7, 2008
Jul 25, 2008
Aug 26, 2008
Aug 31, 2008
Sep 2, 2008
Sep 5, 2008
Sep 8, 2008
Sep 11, 2008
Sep 15, 2008
Sep 16, 2008
Sep 22, 2008
Sep 23, 2008
Sep 24, 2008
Oct 2, 2008
Oct 6, 2008
Dec 12, 2008
Mar 6, 2009


Thanks to
Designer
Host
Blogskins
Image